Dating artistang si Sabrina M, arestado sa drug operation

Inaresto ng Quezon City Police District Special Operations Unit at District Anti-Illegal Drug ang isang dating artista na nakilala sa pangalang Sabrina M. o Karen Palasike sa tunay na buhay.

The video and photo used in this post belongs to GMA News and Public Affairs.

Ayon kay QCPD Director Senior Superintendent Guillermo Eliazar na nahuli si Sabrina M. kasama ang dalawang iba pa sa isinagawang buy-bust operation ng QCPD sa bahagi ng Pasong Tamo Quezon City kagabi.

Kinilala pa ang dalawang kasama na nahuli kasama ni Sabrina M na sina Erwin San Martin at Edwin Goloma. Kabilang sa mga nasamsam mula sa mga suspek na si Sabrina M at ang kanyang mga kasamahan ay tatlong plastik sachet na naglalaman ng ilegal na droga, ilang drug paraphernalias at mga pera.

Kitang kita naman sa surveilance video ng QCPD ang aktuwal na paggamit ng ilegal na droga ni Sabrina M bago ang isinagawang operasyon ng mga operatiba ng QCPD.