Sen. Trillanes, may hawak daw na ebidensiyang nagsasabi ng katotohanan si Matobato

May nakalap daw na ebidensiya si Senador Trillanes na magpapatotoo sa mga sinabi sa senado ng nagpakilalang dating miyembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato.

Video and Photos courtesy of GMA News and Public Affairs

Sa panayam ng Super Radio DZBB sinabi niyang ipapakita niya sa mga susunod na araw ang resulta ng kanyang sariling imbestigasyon.

Aniya, hindi naman talaga pabago bago ang testimonya ni Matobato tulad ng tungkol umano sa International Terrorist na si Sali Makdum.

Binatikos din niya ang oras na inilalaan ng kapwa sa senador sa paghahanap ng butas sa mga testimonya ni Matobato.

Mahalaga raw na imbestigahan ang sinabi ni Matobato lalo’t tungkol ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.