Court Justice Sereno, Nangamba sa Malubhang Kaso ng Iligal na Droga


Sa Taunang Meet the Press, ipinagdiwang ni Supreme Court Justice na si Maria Lourdes Sereno ang ikaapat na taon mula nang maappoint siya sa pinakamataas na posisyon ng hudikatura. Bago sumalang sa pagtatanong inihayag niya ang ulat ng hudikatura. Tulad ni Pangulong Duterte naaalarma raw siya sa talamak na iligal na droga sa bansa. Katunayan halos dumoble raw ang drug related cases na aabot na sa higit isandaang libo.


Source: News5Everywhere

Pero hindi lahat ng kaso ay nagkakaroon ng conviction. Kwento ni Sereno isang high profile drug suspect ang kamakailan ay pinakawalan dahil wala namang kasong naisampa laban dito.

Aminado rin si Sereno na wala siyang audit kung ang lahat ng drug operation ng pulis ay may kaakibat na warrant of arrest pero sa tanong kung ano bang pwedeng gawin ng supreme court na usapin sa umanoy na extra judicial killings Sinabi ni Sereno na dapat maunang gumalaw ang Commission on Human Rights

Sereno said “The constitution requires us to be the last actor in this area. It is not because of lack of courage it is because that is the constitutional design. We act on complaints and petitions. “

Ipinagtanggol din ni Sereno ang judiciary sa naging batikos ng Pangulo kaugnay ng pag-iisue ng temporary restrain order sa mga government projects. Sabi ni Sereno noong 2013 isang TRO lang ang inissue ng court of appeals sa government infrastructure, ganito din daw sa Supreme Court.

Matatandaang minsan nang nagkabanggaan sina Sereno at Pangulong Duterte nang pangalanan ni Digong ang mga hukom na sangkot umano sa ilegal na droga. Pero ayon kay Sereno kailangang panatilihin ang maayos na relasyon sa pagitan ng ehekutibo at judiciary. Bilang pagtatapos inilarawan ni Sereno ang isang lider na angkop sa sitwasyon ng Pilipinas ngayon.

According to Sereno “I would rather help, encourage good to come out than encourage the darker side of the human nature”

Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply