Dalawang lalake patay sa engkuwentro matapos takasan ang Checkpoint


Dead on arrival sa ospital ang may ilang dalawang sakay ng motorsiklo matapos makaengkwentro ng mga pulis sa isang checkpoint sa Adriatico Street sa Malate Maynila kagabi. Nagtanggka umanong takasan ang mga ito ang checkpoint at biglang pinaputukan ang mga pulis sa naturang checkpoint.


Ayon kay Police Chief Inspector Adrian Del Rosario, investigation chief ng Malate Station, ang isinasagawang checkpoint ay bahagi ng pinaigting na seguridad kasunod ng insidente ng pagpapasabog sa Davao. Imbes umanong huminto ay hindi pinansin ng dalawa ang naturang checkpoint.

Naglabas agad ng mga baril ang suspek at nang mawalan ng kontrol ang driver ng motorsiklo ay sumemplang ang mga ito sa madilim na bahagi sa naturang lugar. Doon na napilitang pagbabarilin ang mga pulis ang dalawa na sakay ang kulay pulang motorsiklo na may plakang ND52424.

Napag-alamang isa sa mga suspek ay isang pulis na si PO2 Manuel Fuente habang kinilala naman ang kasama nito na si Alexander Escobal. Narekober sa crime scene ang 9mm o 38 na kalibre ng baril na ginamit ng mga suspek. Umapela naman ngayon ang kooperasyon ng mga awtoridad sa mga motorista na huwag babalewalain ang kanilang isinasagawang checkpoint.

Matatandaang pinaigting ng PNP ang seguridad sa iba’t ibang mga lugar kasunod ng Davao Bombing incident noong nakaraang biyernes.

Reporter: Jerico Albano ; Video Courtesy: UNTV News and Rescue

Read more
Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply