Mga Nagawa ng Administrasyon ni Duterte sa loob ng 50 araw


Isang dokumentaryo ang ibinida ng Malakanyang kasabay ng ikalimampung araw sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ano ano na nga ba ang nagawa ng pangulo sa halos dalawang buwan niya sa Malakanyang?


Inilatag ang mga isyu at nagawa na ng administratyon tulad ng usapin sa Extra Judicial Killings.

DILG Secretary Mike Sueno said “Hindi siya mamamatay tao kundi yung sinasabi na extra judicial killings, hindi naman totoo yan kasi mababasa sa mga newspaper, he is also bothered”.

Siniguro din daw ng pamahalaan na matibay ang relasyon natin sa mga kaalyadong bansa pero ang gusot sa China at West Philippine Sea, inaayos pa.

“Pinipilit natin na we will be engage to China to make sure na yung ating mga mangingisda ay makakabalik na sa scarborough shoal”. dagdag pa ni Mike Sueno.

Priority din ang pagtuldok sa ENDO o Contractualization. Binuksan din sa mga magsasaka ang mga gate ng Department of Agrarian Reform. Ipinagmalaki rin ang Executive Order sa Freedom of Information.

Martin Antanar said “We expect a decline in corruption as government people become more prudent in what they do”.

Tinalakay din ang problema sa traffic at mahabang pila sa mga ahensiya sa pamahalaan bilang aksyon, gagawin limang taon ang validity ng drivers license at car registration mula sa tatlong taon.

Sec Art Tugade said “We are imposing the law to all. Kaya nga in the first 50 days, hinahabol po namin yung mga kolorum, hinahabol po namin yung mga ilegal parking, nagdidisiplina po kami ng mga driver ha hindi tumutupad sa mga patakaran”.

Binigyang diin din ang advocacy ng pangula na isulong ang federalismo sa bansa. Sa kabila nito bagsak ang grado ng Duterte Administration para sa ilang mga kongresista. Puro laban kontra droga raw ang inatupag.

Representative Teddy Baguilat said “Wala kaming tutol sa kampanya laban sa criminality but gawin natin sa tamang paraan. We make sure that due process is being followed by the PNP”.

Like this Article? Vote Now!
[Total: 0 Average: 0]
Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply