Notorious drug pusher patay matapos manlaban sa mga pulis


Dead on the spot ang umano’y Notorious drug pusher matapos nitong maka-engkwentro ang mga pulis sa Raymundo Street Brgy Sta Rosa Uno Marilao Bulacan 11:30 kagabi. Kinilala ang suspek na si John Angustia na nagtamo ng mga bala sa katawan.


Ayon kay Marilao Police Inspector Ed Tongol nagsagawa sila ng drug raid operation kung saan naglagay ng mga checkpoint sa Marilao nang makatanggap sila ng report kaugnay ng isang motor na nakarnap kahapon ng umaga. Nasita umano ang suspek sa checkpoint sa San Jose Provincial Road sa Gate 4 ng Sta Rosa Uno. Subalit imbes na huminto ay humarurot papalayo ang suspek.

Nagkahabulan ang mga pulis at suspek subalit nagkaroon ng engkwentro nang simulang paputukan ng suspek ang otoridad. Kinumpirma naman ng kapitan ng Brgy ang mga bintang sa suspek na kilala ito sa kanilang Brgy na akyat bahay at tulak ng droga. Sinubukan pa nila umano itong pasukuin sa Oplan Tokhang subalit hindi ito sumuko. Narekober naman sa suspek ang ilang pakete ng shabu, kalibre 38 ng baril at motor na kinarnap nito kahapo ng umaga.

Reporter: Macky Libradilla | Video Courtesy: UNTV News and Rescue

Read more
Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply