P3.5 Trillion, panukalang National Budget ng Administrayong Duterte para sa 2017

Sinimulan na ngayong araw sa kamara ang budget deliberation para dinggin ang panukalang P3.5 Trillion pesos na proposed National Budget ng administrasyong Duterte para sa taong 2017.

Video and photos courtesy of GMA News and Public Affairs

Si House Committe on Appropriations Chairman Representative Karlo Nograles ang nagbukas ng plenary deliberation kung saan magsisilbi siyang sponsor para depensahan ang panukalang budget.

Mas mataas ng 11.6% ang 2017 proposed budget kumpara sa nakaraang budget. Nauna ng sinabi ni Nograles na dalawang linggo inaasahang diringgin ang budget deliberation ng kamara para mailusot narin ito sa 3rd and final reading bago maipasa sa senado.

Bago ito, nagkaroon na rin ng free plenary conferences kung saan binigyang pagkakataon ang Committe on Appropriations na mas mabusisi ang mga inilatag na mga budget ng bawat ahensiya ng gobyerno.

Pagkatpos naman ng sponsorship speech ni Nograles agad na isinunod ang presentasyon ng proposed budget ng Department of Budget and Management, Department of Finance, National Economic Development Authority at iba pang executive offices at GOCC.