Pangulong Duterte inaprubahan ang 4.7 Bilyong Piso para sa mga retirado at biyuda ng mga beterano


Pangulong Duterte inaprubahan na ang pagpapalabas ng 4.7 Bilyong Piso bilang pondo para sa mga retiradong miyembro ng mga militar at biyuda ng mga beterano.


Video Courtesy to RTVM

Lahat ng mga military retirees aged 80 years old and up kasama ang mga biyuda ng world war 2 veteran ay maaaring makakuha ng pondo na ilang buwan nang nakabinbin kahit na ito ay nasa 2016 budget.

Ang update na ito ay hinggil sa total disability or TAD na inihayag ni Pangulong Duterte kahapon (National Heroes Day) sa libingan ng mga bayani.

Dagdag pa ng ating Pangulo na sa 4.7 Bilyong Piso ay 3.5 Bilyon dito ay para sa mga widow at 1.2 Bilyon naman ay para sa mga military retirees. Ang Joint Implementing Rules and Regulations (IRR) ay napirmahan na ni Budget Secretary Benjamin Diokno at Defense Secretary Delfin Lorenzana. Ayon pa kay Secretary Lorenzana, maaaring hindi na ilabas ang pondo sa ilalim ng dating administrasyon dahil na rin sa election.

Hinggil naman sa pagpaparelease ng pera, ito ay ipoproseso agad ng Philippine Veterans Affairs Office o PVAO at ng AFP General Headquarters.

Dito ipinapakita ng Pangulo na na pinangangalagaan niya ang militar at mga pamilya nito. Mahal ng ating pangulo yung mga nagbubuwis ng kanilang mga buhay para sa ating bayan.

Good news ito na may ilalabas na pondo para sa mga retirado ng militar at ng mga biyuda.

Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply