Tatlong suspek sa Robbery-Carnap incident, patay sa engkwentro


Dead on arrival sa ospital ang tatlong suspek sa nangyaring engkwentro laban sa mga pulis ng quezon city matapos umanong manlaban ang mga ito habang tumatakas sa isinasagawang Oplan Sita dakong alas dose ng hatinggabi habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasama na dumaan sa damuhan ng Brgy Vasra North Avenue.


Sa initial na ulat ng mga pulisya, habang nagsasagawa sila ng checkpoint sa North Avenue nang mapansin ng isang Colorum na taxi na umiikot na umiiwas sa checkpoint kaya agad nila itong sinundan upang pigilan. Nang sitain ng mga pulis ay bigla umanong nagpaputok ang mga suspek. Doon na umabot na makipagbarilan ang mga pulis kaya’t napatay ang mga suspek na wala pang mga pagkakakilanlan.

Bago ang engkwentro dalawang taxi driver naman ang nabiktma nang macarnap ang kanilang taxi at hinoldap ang kanilang kita sa pamamasada. Nakumpirma ng mga taxi driver na ang mga napatay na suspek ay mga kumarnap sa kanilang sasakyan at nangholdap kagabi. Narekober naman sa mga napatay ang isang 45 kalibre na baril at patuloy naman ang imbistigasyon ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga carnapper at kung kasama ang mga ito sa grupo ng mga sindikato.

Reporter: Reynante Ponte

Read more
Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply