Bato Dela Rosa nagalit sa mga pulis na sangkot sa droga

Nag-isyu ng isang order si PNP Chief Bato Dela Rosa sa mga opisyal ng pulis na di-umano’y sangkot sa mga ilegal na transaksiyon sa droga na sumuko sa kanya noong Lunes.

Nagpunta sa headquarters ng PNP sa Camp Crame ang 15 police commissioned officers, 16 police non-commissioned officers at isang retiradong pulis matapos ang kanilang pangalan ay nabanggit sa listahan ni President Rodrigo Duterte nito lamang nakaraang linggo.

Source: Rappler, Gmanews

“Isiwalat ninyo ang dapat ninyong sabihin, tyansa na ninyo ito. Tumulong kayo sa PNP. Sabihin ninyo ang lahat ng dapat sabihin,” Ito ang sabi ni Dela Rosa sa mga kaharap niyang pulis na sangkot sa droga.

Bukod sa pagpipilit umano ni Dela Rosa sa mga opisyal ng pulis na ibunyag ang kanilang nalalaman ay nagawa din nitong pagbantaan na papatayin kung sila ay bumalik sa kanilang di-umano’y ilegal na gawain.

“Papatayin ko kayo pag na-involve ang pangalan ninyo pagkatapos nito,” Sabi ni Dela Rosa.

“Tayo ang dapat mag solba sa problema sa droga, tayo pa ang gagatong? Diyos ko, maawa ka Lord. Ha? Nakakahiya tayo. Gusto kong mag evaporate sa mundo, gusto kong mamatay. Gusto kong matunaw dahil sa nangyayari sa atin, nakakahiya. I am the chief PNP, I am leading the Philippine National Police with people who are involved in sindikato… walang hiya, Diyos ko,” dagdag pa niya.

Ang PNP Directorate for Personnel and Records Management ay may 98 opisyal na bilang ng pulis sa listahan ng mga sangkot sa ilegal na droga ngunit 32 lamang sumuko.

Kabilang sa mga naroroon ay:

  • Senior Insp. Ramiro Christoper de Jose
  • Senior Supt. Ruperto Flore Jr.
  • Senior Supt. Ricardo dela Paz
  • Senior Supt. Khasmir Disomangcop
  • Chief Insp. Vicente Vicente
  • Supt. Noel Lamsis
  • Chief Insp. Rio Maymay
  • Supt. Roderick Condag
  • Chief Insp. Kenneth Ray Militar
  • PO2 Marc Christian Sta Catalina
  • PO3 Ryan Quianaco
  • Supt. Ronald Allan Genepa
  • Supt. Maristelo Manalo
  • SPO1 Eric Lazo
  • SPO2 Johnny Mahilum
  • Supt. Romeo Santandeer
  • SPO2 Jomar Ybañez
  • Supt. Ibrahim Jimbiran
  • PO3 Omar Juaini
  • SPO1 Necito dela Victoria Jr
  • PO3 Allan Carpio
  • Senior Insp. Roy Montes
  • PO3 Michael Santino Cortes
  • PO1 Jerrybel Ocsio
  • PO1 Romil Mansul
  • PO3 Rodel Sambolledo
  • PO1 Pierre Fuhrer Disu
  • Supt. Richard Gumboc
  • Senior Insp. Martin Plaza III
  • PO2 Rirhe Matt
  • SPO2 Rosil Ellevera
  • Ronald Galap

Ang mga opisyal ng pulis na sumuko ay mananatili sa opisina ng IAS hanggang sa matapos ang imbestigasyon. Sila ay hindi pinayagang magtrabaho at ang kanilang mga baril ay kumpiskado.

 

Like this Article? Vote Now!
[Total: 0 Average: 0]
Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply