HIGIT 1,000 NARCO-POLITICIANS, NAKASAMA SA BAGONG LISTAHAN NI PRES. DUTERTE

May bagong listahan na naman ng Narco-Politicians si Pangulong Rodrigo Duterte pero pinapakumpirma pa niya ito matapos masama ang ilang kaibigan.

Nasa higit isang libong Barangay Officials, dalawa hanggang tatlong kongresista at ilang hues ang kasama sa bagong listahan ng Narco-Politicians ang hawak ni Pangulong Duterte pero hindi pa nito masabi kung kailan ito maisasapubliko. Isinasailalim pa kasi ito sa revalidation para matiyak ang kuneksyon ng bawat isa sa bentahan ng iligal na droga sa bansa.


Dahil malaking banta sa National Security ng mga Narco-Politicians, plano ng pangulo na ibalik ang Philippine Constabulary o PC.

Ayon sa Pangulo kahit noong alkalde na siya ay alam na niyang may ilang mataas na opisyal ng gobyerno ang tumatanggap ng drug money kabilang na si Senadora Leila De Lima. Pinabulaanan naman ni Duterte ang pahayag ni De Lima na may kinalaman siya sa isinasagawang pagdinig kaugnay sa bentahan ng shabu sa Bilibid Prison. Hindi rin kilala ni Digong si Edgar Matobato.

Kasunod ng hamon sa United Nations At European Union na magpadala ng mga kinatawan para imbestigahan ang umano’y extra judicial killings. Binanatan din ng pangulo ang mga negosyanteng bumabatikos sa kanya.