PNP Chief Ronald Dela Rosa Nasa Colombia Para Aralin ang Giyera Kontra Droga

Nasa Colombia naman ngayon si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa upang pag-aralan kung paano napagtagumpayan ang giyera ng Colombia laban sa illegal na droga.

Ayon kay Dela Rosa aalamin niya at oobserbahan ang mga ginagawa ng nasabing bansa para tuluyang masugpo ang illegal drugs doon. Ang Colombia ay naging notorious noong dekada 80 dahil sa mga Colombian Drug Cartel na nagsusupply na 90% ng pandaigdigang supply ng coccaine.


Dahil dito nakuha ng Colombia ang reputasyon sa buong mundo bilang isang Narco-State at isa sa mga namayagpag doon bilang drug King pin ay ang nasawing si Pablo Escobar.