“Bumalik na kayo kay Lord” - PNP Chief Dela Rosa


Ayon kay PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa ay matapang na sinabi sa mga lulong sa droga na bumalik na sila kay Lord dahil walang mangyayari sa buhay nila kung magpapatuloy lang sila. Actually nabless ako sa sinabing ito ng ating PNP Chief Dela Rosa sapagkat hindi lang pala siya nakikipaglaban sa kampanya sa droga kundi meron din siyang kaloob na mabuting ispiritu. Pakinggan ang kanyang mga sinabi.


Eto ang buong salaysay na sinabi ni PNP Chief Dela Rosa sa mga nalulong sa droga.

Alam ko marami sa inyong nalulong sa shabu dahil kulang kayo sa komunikasyon kay Lord. Nakakalimutan na ninyo ang Poong Maykapal. Panahon na ito para bumalik kayo kay Lord. Magdasal kayo palagi. Magsimba kayo at reconnect with the Lord. Wala kang ibang mapupuntahan. Kahit anong gawin mong rehabilitation kung empty parin ang puso mo, babalik at babalik pa rin kayo sa shabu.

Kaya dapat ngayon mag-start na kayong magdasal, pumunta sa simbahan at kausapin si Lord na “Lord sana tulungan Nyo po kami na di na babalik sa aming dating gawi. Kahit na gutom na gutom na kami hindi na talaga ako magbebenta ng shabu. Bahala na. Maghanap na lang ako ng paraan. Hinding hindi na ako babalik sa shabu.”

 

Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply