P1.5 milyong halaga ng party drugs, nasamsam ng PDEA sa buy-bust operation


Makukulay na tableta na parang kendi o vitamins lang na may kakaiba ring mga pangalan. Ilan dito ay ang kulay peach na tinawag na “TESLA”, ang puti at itim ay tinawag na “YIN-YANG”, ang hugis spaceship naman ay tinawag na “BLUE ROCKET” at ang kulay berde ay tinawag na “PACMAN”.


Source: ABS-CBN News

Kasama ang ganitong party drugs sa higit 800,000 pirasong nasamsam ng PDEA sa buy-bust operation sa isang condominium sa Mandaluyong City kagabi. Tinatayang 1.5Milyon Pesos ang halaga ng mga nasabat kabilang na ang coccaine, marijuana, valum at colored shabu. Pinakamatindi sa mga ito ay ang tinatawag na fly high (pinaghalong ekstasi, shabu at biyagra na ipinapalaman sa capsule). Sabi ng PDEA ang fly high ay posibleng naging sanhi ng pagkamatay ng limang tao sa close-up forever summer event sa Pasay noong Mayo.

Ayon kay Regional Director Wilkins Villanueva “It increases your heart rate and pulse beat. Pag yung tao ay mahina ang puso, mamamatay.”

Dahil galing abroad ang mga droga, sabi ng PDEA posibleng kunektado ang supplier nang nasamsam nila kagabi sa ibang natimbog na noon gaya nang padalang naharang ng customs noong Miyerkules at raid sa isa ring Condo sa Pasig kung saan naaresto sina Emilio Lim at ang Radio DJ na si Karen Bordador.

Ayon kay Regional Director Wilkins Villanueva “Halos magkakasabay eh, magkakakilala eh. Kasi alam mo kapag walang item dito sa kabila, pupunta ka sa kabila.”

Todo tanggi ang mga lalaking naaresto na kasama sila sa pagtutulak ng party drugs.

Sabi ng isa sa mga suspek “Hindi po ako yung nagbebenta, binibigay ko lang po yung glutathione na lalagyanan.”

Kakasuhan sila sa paglabag sa Dangerous Drugs Act. Sabi ng PDEA naghahanda na sila ng follow up operations para sa mga natiktikang nag-pick-up ng droga sa condo.

Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply