Patay ang 6 katao sa magkahiwalay na Buy-Bust Ops sa Quezon City at Pasig


Sumuko na sa “Oplan Tokhang” ng QCPD Station 1 si Alyas Buboy noong Hulyo pero lantaran parin daw ang pagbebenta niya ng ilegal na droga sa Brgy. San Jose kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ng Station Anti Illegal Task Group pero papalapit palang daw ng pulisya sa kanilang target area, sinalubong na sila ng putok ng baril. Dalawa sa tauhan ni alyas buboy ang nakaabang na sa labas ng kanilang bahay. Di naman nakaporma ang tatlong suspek at napatay din ng mga operatiba.


Hustisya ang sigaw ng kapatid ni Renato Montas matapos itong pagbabarilin nang di pa nakikilalang suspek sa Riverside St., Brgy Commonwealth Quezon City kaninang madaling araw. Nakatambay lang daw ang biktima nang biglang paulanan ng bala ang biktima. Ito na raw ang ikalawang beses na pinagtangkaan ang buhay ng lalaki. Paniwala  ng pamilya nito may kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaril.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang lalaki na kinilalang si Alyas Bimbo matapos pagbabarilin sa Maybunga Pasig City kaninang madaling araw. Kakatapos lang daw kumain ang lalaki nang biglang paulanan ng bala nang riding in tandem. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima. Iniimbestigahan na ng pulisya ang krimen.

Patay din sa pamamaril si Marion Abitug, 37 years old, sa loob mismo ng kanilang bahay sa Kaginhawaan St. Pasig City kaninang ala Una nang madaling araw. Pinasok umano sa bahay nang mga di pa nakikilalang suspek si Abitug habang naglalaba ng mga damit. Wala pang nakikitang motibo sa pagpatay kay Abitog maliban sa pagiging drug dependent nito noon pero depensa ng kanyang ina, matagal nang tumigil ang anak sa paggamit nang ipinagbabawal na gamot.

Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply