Patay ang isang jeepney driver na tulak umano ng droga


Nakasakay pa sa kanyang minamanehong jeep ng mapatay ng mga pulis si Jimmy Boy Gruta alyas “Toto” sa ikinasang buy-bust operation ng Sta. Maria Bulacan PNP bago maghatinggabi. Nanlaban umano si toto nang mahalatang pulis ang katransaksiyon. Ayon sa mga pulis, modus umano ni Toto ang magbenta ng droga habang namamasada sa apat na bayan sa bulacan.


P/Supt. Raniel Valones “Naitatago niya ang kayang pagbebenta ng droga sa mga bayan bayan. Dun po ay sa may Jose Del Monte, Sta. Maria at Meycauayan. Maaari po na hindi lang siya si Alyas “Toto” ang gumagawa ng ganito kung kayat mas paiigtingin po natin ang ating pagmomonitor”.

Ilang linggong minatyagan ng mga pulis si Toto. Nakuha nila ang impormasyon tungkol sa target mula mismo sa mga nabebentahan ni Toto na sumama sa mga pulis nang magsagawa sila ng “Oplan Tokhang” hanggang sa makorner nila si Toto kagabi sa bypass road sa Sta. Maria. Narekober kay Toto ang baril at 2.6 grams ng suspected shabu na may street value na 9,000 pesos. Dinala ng Saint Care of Assisi Funeral si Toto na mahahanap sa Sta. Clara Bulacan.

Like this Article? Vote Now!
[Total: 2 Average: 3]
Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply